31

by misslampa

A snapshot of my Mama and Papa

Nalulula pa rin ako, sa totoo lang. Kahit pa may mga mag-asawang apat, lima o kahit anim na dekada pa ang pinagsamahan, tatlumpu’t isang taon pa rin ‘yon at kahit sa guni-guni ko ay di ko naisip maliitin ang kahit isa man lang sa mga taong lumipas – tatlumpu’t isang taon ng sarap at hirap, tuwa at luha, at kung ano pa man ang napagdaraanan ng dalawang magsing-irog mapanindigan lamang ang sinumpaan.

Nangingiti na lamang ako habang ginugunita ang mga bagay-bagay. Nariyang piliin ni Papa na itayo ang bahay sa loteng malayu-layo sa main road para mas malaya raw naming mahabol ang mga tutubi at kalarong uhugin habang kami’y lumalaki. At si Mama’y pumayag ding mapirme sa bahay, na nung kinalaunan ay napagtanto kong napakalaking sakrispisyo pala para sa kanya. Kasi kaya pala niya pinagsikapang makatapos ng accountancy kahit ayaw siyang pag-aralin nina Lolo at Lola ay dahil ayaw niyang maging housewife. Ang buhay nga naman, ibang magbiro.

Saksi rin ako sa mga ka-dramahan, siyempre pa. Sumama raw ang loob ni Mama kay Papa noong bata pa kami dahil binili siya nito ng second-hand na Singer sewing machine – e ang sa akin lang naman, hindi naman siya talaga nagtatahi! Si Papa naman ay umiinit ang ulo sa tuwing siya’y napagsasabihan or kaya’y di nasusunod, kaya sa tuwing dinadaan niya kami sa sigaw at sindak ay pinipili na lang muna ng nanay kong tumahimik hanggang hindi na init-ulo ang baby niya. At bagama’t ngayo’y napagtatawanan na lang namin ito, inaamin kong natakot ako nang mag alsa-balutan si Mama dahil nag-uwi si Papa ng mga alagaing tuta kahit alam niyang tatlo sa mga kasambahay niya ay may hika. Tama ba namang mga bubuwit na tuta pa ang sisira sa pamilya namin? Buti na lang.

Matagal nang namatay ang mga tutang iyon. Lumaki na rin kami at ang aming mga uhuging kalaro. Pero magkasama pa rin ang mga magulang kong magkape sa umaga, magsimba, kumain, matulog, mag-biruan, mag-away, mamasyal, sigawan ang mga tatanga-tangang kasali sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga kahit di naman sila naririnig ng mga ito, at pati magpakulay ng buhok sa akin. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, simple pero rock pa rin sila after all these rock-and-roll years.

…at siyempre, umaasa ang puso kong mananatili silang ganoon sa loob ng mahaba-haba pang panahon. :-)

Advertisements

7 Comments to “31”

  1. Love this post. Nakakataba ng puso. :) Hi, Donna!

    • Berns, halloo halloo! :-)) Salamat sa pag-appreciate at pagdaan sa aking virtual homebase. Alam mo namang writers love it when they’re read, haha! <3

      • Hahaha. Yes, indeed! The glory of the byline and all that. I take such inspiration from your positive way of looking at life–hence the blog’s title, I presume? :)

      • For me, actually, it’s not the glory anymore e. It’s the connection you make with people just because you dared write a love letter to the universe. Am I making sense? Positive but grounded all the way, yep. :-))

      • Perfect sense. Somehow (is it age or maturity?), getting published isn’t so much a biggie as it was when we were younger. Gusto ko yan…love letter to the universe. Coincidentally, I did recently resolve something along those lines you mentioned–valuing connections more, be it with family or friends. Must be the onset of a new decade in life, haha.

      • Aww. :)) It could be the new decade nga, or it could just be that we’re finally getting life. All the best, Berns! If you have a blog, share with me rin ha! Thanks. =D

      • All the best to you, too! :-) My own love letter to the universe is templeandarch.wordpress.com–thank you for asking. :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: