Sa wakas

by misslampa

Hoy pangit.

Hindi ko sigurado kung matatawag bang kagagahan ang ginawa mo ngayon. Pumayag kang ma-interbyu ng 11:00am sa Makati gayong alam mong 1:00pm ang pasok mo sa Alabang. Hindi ka man lang tumawad kahit konti.

Nawala ka pa sa paghahanap ng Cattleya Building – nahuli ka tuloy ng ilang minuto at dumating na tagaktak ang pawis. At nang inutusan ka ng patnugot na sumulat nang impromptu ng isang sanaysay sa loob ng isang oras, ang una mong ginawa ay tumingin sa cell phone mo,€“ at ang sabi niya ay 11:20 na at baliw ka na kung hindi ka man lang papalag dahil hindi ka pa regular sa trabaho mo, no, kaya gamitin mo naman sana ‘yang utak mo.

Nabingi ka siguro noong mga panahong iyon, sapagkat pinili mong €œ”manatili’t wag m(agp)atinag,”€“ ika nga ni Barrios sa kanyang awit – dahil alam mo na mas una mong minahal ang pagsusulat. At ayaw mo mang aminin, lagi mo itong mas mamahalin kahit alam mong hindi ka bubuhayin ng mga published works mo.

Kaya’€™t ayun, umupo ka sa harap ng kompyuter ni managing editor.

At 12:20 ka na umalis kaya na-late ka sa trabaho dahil grabe ang trapik sapagkat lagi namang trapik sa Makati kaya dapat talaga ay nakiusap ka na lamang na agahan na lang sana! At hindi rin ba katangahan na nakalimutan mong tanungin kung magkano ba sila magpasuweldo ng isang part-time writer at kung hindi ka ba nila lulunurin sa trabaho at kung kelan ba unang lalabas ang kaka-conceptualize pa lang na magasin na Filipino Unlimited na siyang magiging daan para matupad mo itong walang katuturang mithiin mo sa buhay?!?

Sabagay, lahat naman ng manunulat, may konting sayad talaga kasi unwritten requirement ‘yang kabaliwan, diba, pero hindi na mahalaga iyon kasi nagparamdam na si Sir Joel Salud para sabihin sa iyong part-time writer ka na kahit sobrang tagal mo nang wala sa totoong mundo ng pamamahayag, weeeeeeeee! At may assignment ka na agad, ayos!

Kaya naman pala halos mabasag na ‘yang panga mo sa kakangiti ng buong araw! Kung iisipin nga naman, bagamat kabaliw-baliw ang Friday the 13th na ito, pinaalala nito sa iyong nakabubuti pala talaga sa kaluluwa ang magka-topak paminsan-minsan.

(Pero ipangako mong hinay-hinay ka lang muna, ha. Mahirap na, baka tuluyan ka nang masiraan ng bait.J)

*egg roll*

—–

Postscript: When I finally mustered enough guts to ask, I was told that Filipino Unlimited is a newly conceptualized magazine, the main thrust of which is to celebrate the triumphs of the world-class Filipino. That’s not bad for a first dabble, isn’t it? :p

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: